Bagong Pilipinas Hymn

Panahon na ng pagbabago
Dahil sa ito ay kinakailangan
Tayo na magtulong-tulong
Na paularin ang mahal nating bayan.

Panahon na ng pagbabago
At iayos ang mga dapat ayusin
Dapat lang maging tungkulin
Ng bawat mamamayan dito sa atin.

Gawin ang pagbabago
Patungo sa pag-asenso
Magsikap ng mabuti
At nang guminhawa tayo
Ipagmalaki natin sa mundo at ipamalas
Ang Bagong Pilipino at Bagong Pilipinas.

Panahon na ng pagbabago
Tangkilikin natin ang sariling atin
At tama lang na ugaliin
Kaysa sa iba sa atin ang unahin.

Panahon na ng pagbabago
At manguna sa kahit anong larangan
Ang tagumpay ay karangalan
Ialay o ihandog natin sa bayan.

Ilang ulit nang napatunayan ng Pilipino
Ang husay at lakas, kagandahan, at talento
Handang makipag paligsahan kahit anong oras
Ang bagong Pilipino, ang Bagong Pilipinas.

Panahon na ng pagbabago
Buhay natin ay gawing maaliwalas
Marami ang magandang bukas
Ang ibubunga ng Bagong Pilipinas.

Gawin ang pagbabago
Patungo sa pag-asenso
Magsikap ng mabuti
At nang guminhawa tayo
Ipagmalaki natin sa mundo at ipamalas
Ang Bagong Pilipino at Bagong Pilipinas.
Panahon na!