Martsa ng Bagong Lipunan

Chorus
May bagong silang.
May bago nang buhay,
Bagong bansa, bagong galaw
Sa Bagong Lipunan!
Magbabago ang lahat, tungo sa pag-unlad,
At ating itanghal: Bagong Lipunan!

Chorus

Ang gabi’y nagmaliw nang ganap,
At lumipas na ang magdamag.
Madaling araw ay nagdiriwang.
May umagang namasdan.
Ngumiti na ang pag-asa
Sa umagang anong ganda!

Chorus